top of page

Kumustaka

  • Pauline Bianca Padilla
  • Jun 13, 2018
  • 1 min read

"Kumusta ka?" Ang pambungad na bati para sa taong matagal mong hindi nakasalamuha.

"Kumusta ka?" Na kung saan nagsisimula ang isang liham na natatapos Sa.. "Hanggang dito na Lang muna"

Naririnig Sa iba't ibang panahon o pagkakataon. Gayon din sa lahat ng emosyon.

"Kumusta ka?" Ang ay masayang marinig. Mula sa mga kaibigan may pagaalala sa kanilang tinig.

Kaya kung minsan nagiging mababaw na Lang ang pag-gamit natin nito.

Tila pangduktong na Lang sa dating usapang nahinto.

"Kumusta ka?" Nawa'y salitang 'wag na wag ipagdamot.

Ito'y nagbibigay ng ngiti sa mukhang buong araw ng nakasimangot.

Kaya naman aking hiling. Ang pangungumusta ay 'wag itigil. Ito'y nagiging daan sa mga kwentong Hindi kayang mapigil.

Pakalaging tatandaan aking kaibigan. Ang salitang "Kumusta?" Ay may patutunguhan. Hindi Lang simpleng salitang dumaan sa ating isipan.

"Kumusta ka?" Paulit-ulit mang itanong. Ang puso ay nagaabang sayong tugon.

Dalawang salitang bumubuhay ng pag-asa ang "Kumusta ka?". Patunay Lang ito na hindi ka nag-iisa.


 
 
 

Comments


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:

© 2023 by NOMAD ON THE ROAD. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Instagram Black Round
bottom of page