top of page

Dialogo

  • Pauline Bianca Padilla
  • May 22, 2018
  • 1 min read

Hindi ko na kilala ang aking sarili.

Lahat ng taong minahal kong labis tila ayaw ng manatili.

Nagtatanong pa rin, ano ang aking nagawa?

Bakit lahat sila aytuluyan ng nagsawa?

Malabo ang aking natatanaw.

Ang puso ko'y unti-unting natutunaw.

Sa pag layo nilang hindi ko kayang mapigilan.

Sa isip ko sumisigaw ng patawad aking mga kaibigan.

Maaring mali ang aking mga desisyon.

Kung ang paglayo nila ang magiging leksyon.

Tatanggapin na lang na ako'y nagiisa.

Marahil ito na ang naging parusa.

"'Wag kang bibitiw Aking anak."

Sambit ng Amang Diyos habang kamay ko'y Kanyang hawak.

"Ibigay mo Sakin ang lahat-lahat."

"Hayaan mo nang Ako ang sumulat."

Kung aabutin ng ilang taon sa ganitong kalagayan.

Dasal ko na akin itong makayanan.

Ang mga katagang "Andito lang Ako" ay panghahawakan.

Oh Amang Diyos, 'wag Mo po akong pababayaan!

Handa akong kilalanin muli ang aking sarili.

Dahil sa pagmamahal ng Diyos na tanging nanatili.

Maliban Sa Kanya wala nga akong magagawa.

Tanging Siya lang ang hindi nagsawa.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


 
 
 

Comments


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:

© 2023 by NOMAD ON THE ROAD. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Instagram Black Round
bottom of page